Pinoy members ng Z-Pop, kilalanin

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/4/2019 10:48 AM
Pinoy members ng Z-Pop, kilalanin


Ipinakita na ang mga bagong miyembro ng pinagkakaguluhang male and female group na Z-Pop. 

Mula sa iba’t-ibang Asian countries, masusing pinili sa auditions ang mga miyembro nito.

Sa Pilipinas, angat ang dancer at singer na si Carlyn Ocampo at ang dating G-force dancer na si Josh Bautista.

“Nag-apply po talaga kami like from the Philippines. 200-plus po kami nag-audition at kami po ang nakuha and ‘yun. Sobrang saya po, sobrang grateful and thankful dahil napili po kami,” ani Carlyn Ocampo sa panayam ng entertainment press sa naganap na grand media launch ng Z-Girls.

Mula sa kabi-kabilang concert at fan meeting sa iba’t ibang bansa, hindi naman makakalimutan ni Josh Bautista ang positibong feedback sa talentong Pinoy.

“We really lived it especially noong concert namin noong February 23 sa Champion Stadium. The acceptance of the foreigners is really nakaka-touch po talaga,” pahayag ni Josh ng Z-Boys sa press.

Sa ngayon, nakalinya ang concerts at music launch ng Z-Pop sa buong Asia na inaabangan na ng kanilang international fans.