Liza Soberano, hindi na matutuloy sa pagganap bilang Darna

“I have decided to withdraw from the project of Darna,” anunsyo ng Kapamilya actress sa isang interview.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/4/2019 8:56 PM
Liza Soberano, hindi na matutuloy sa pagganap bilang Darna


Photo credit: @lizasoberano on Instagram

Emosyonal na inanunsyo ng Kapamilya actress na si Liza Soberano ang pagbitaw sa pagganap bilang Darna sa interview niya sa ABS-CBN News ngayong araw, Abril 4. 

Ayon sa aktres, napagdesisyunan niyang iwan ang proyekto dahil sa isang injury na nakuha niya mula sa nakaraang teleseryeng Bagani. "I fractured my right index finger po. As in nadurog po yung buto, the top part and the bottom, and also my joint," pahayag ni Liza. 

Dagdag ni Liza naka-dalawang surgery na siya simula noong insidente pero hindi na rin ito naibalik sa dati. 

“I was scared na I wouldn’t look as good doing my stunts because of the way my finger looks, and I’m not sure na babalik siya sa dati, na I would be able to make a fist. Of course I wanted to give my management, my bosses, my best Darna that they could possibly have. But I kind of felt insecure about it na rin,” paliwanag ni Liza. 

Maalalang dahil rin sa isang fracture sa buto ang naging dahilan ng pagbitaw ng isa pang Darna actress na si Angel Locsin. December 2018 naman nang bitawan din ng direktor na si Erik Matti ang naturang proyekto dahil sa isyu ng "creative differences." 

READ: Jerrold Tarog, planong repasuhin ang unang script at costume ni ‘Darna’

READ: Liza Soberano, may sagot sa basher na sumita ng kanyang pagbabakasyon

Samantala, matapos ang paglabas ng interview ni Liza ay agad din naglabas ng statement ang ABS-CBN sa kanilang Instagram account. 

"ABS-CBN and Star Cinema regretfully announce their acceptance of Liza Soberano's decision to withdraw from the 'Darna' movie project due to medical reasons," ayon sa statement. 

 

 

Sa kabila ng pagbitaw ni Liza, magpapatuloy pa rin ang preparasyon para sa inaabangang remake ng Darna sa ilalim pa rin ng ABS-CBN Film Productions.