• Home
  • Fresh Scoops
  • Chienna Filomeno, nagbigay ng tips kung paano ma-achieve ang fit na body

Chienna Filomeno, nagbigay ng tips kung paano ma-achieve ang fit na body

Chienna Filomeno, may tips sa pag-pose at kung paano ma-achieve ang #summerbodygoals

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/4/2019 10:34 AM
Chienna Filomeno, nagbigay ng tips kung paano ma-achieve ang fit na body


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni GirlTrends member Chienna Filomenofilomena ang tanong ng isang netizen kung paano ma-achieve ang kanyang fit body.

PHOTOS: Netizens, binansagan si Girl Trend Chienna Filomeno na summer #bodygoal and here's why  

Ani Chie na binansagan ng netizens na #summerbodygoals, “Kung ano talaga yung kinakain mo e. Dun talaga nagsa-start yun. And then you have to take care yourself, love yourself more ‘cause it will show talaga from the outside and the inside.” 

Ayon kay Chie, ang waistline niya ay 22 inches. Todo papuri din si host Boy Abunda sa mga photos ni Chie. “Your photos are extraordinary, captivating, alluring, sexy, brave!” 

Nagpa-sample din si Chie ng mga pose niya at nagbigay ng tip kung paano mag-pose para sa mga photos,. “You have to think you’re 5’11” cause I’m 5’8” e… ‘pag naka-heels. 5’ 4” lang po talaga ako. You have to think tall talaga and then pose…”

Inamin din niya na maraming shots ang kailangan bago ma-achieve ang mga shots na pino-post niya online. “Ay marami yan Tito Boy. Hindi agad-agad nakukuha…  ang photographer ko talaga is my brother and my mom. And alam nila yung anggulo din talaga.”