• Home
  • Fresh Scoops
  • Chie Filomeno, inaming nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa iba pang Girltrends members

Chie Filomeno, inaming nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa iba pang Girltrends members

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/4/2019 11:34 PM
Chie Filomeno, inaming nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa iba pang Girltrends members


Sa segment na Legit or Lie sa Tonight with Boy Abunda, hindi kumurap ang GirlTrends member na si Chienna Filomeno sa pagsagot ng mga mapangahas na katanungan ng host na si Boy Abunda.

Hindi itinanggi ni Chie na may confrontation na naganap sa pagitan niya at ng iba pang GirlTrend members. “Confrontation talaga. Kasi kailangan mo talagang i-confront yung taong namba-backstab sa ’yo,” ani Chie.

Nang tanungin kung may kinalaman dito si Dawn Chang, ang sagot ni Chie ay, “Hindi lang siya e.” 

Nangyari daw ito noong lagi siyang wala sa It’s Showtime. Pagbalik daw niya ay, “Naawa yung ibang GirlTrends at sinabi sa akin yung mga hearsay nila. Lahat ng pinagsasabi nila sa akin behind my back.”

Rebelasyon ni Chie kung sino ang tinutukoy niya, “Ate Dawn and yung isa Erin (Ocampo). So kinonfront ko sila.”

Hindi daw siya nakakuha ng sagot mula sa confrontation pero sa ngayon daw ay maayos na sila ni Dawn. Nang tanungin kung paano ito naayos, ayon kay Chie ay, “Siguro naging understanding na lang ako. Yes, we’re okay.”

Pagdating naman kay Erin na hindi na ngayon member ng GirlTrends, “Erin po… hindi na. pinass na lang namin,” sabi ni Chie.

Hindi rin natakot si Chienna aminin na retokada ang ilong niya. “tThere’s nothing wrong in enhancing something that you have. It’s a choice. It’s your own choice as long as wala kang natatapakang tao. Go with it.”

Hindi rin pinatulan ng dalaga ang issue na diumano pinagkakakitaan niya ang katawan niya. Ani Chie, isa daw itong kasinungalingan. “Countless times ko na naririnig yan, Tito Boy. People will believe what they want to believe. Kahit sabihin ko na hindi. Hindi pa rin sila maniniwala kung gusto nila paiwalaan na isa akong bayarang babae. Pero it’s a lie, Tito Boy.”

Sa huli nagpasalamat si Boy sa pagiging honest ni Chie at ayon pa kay Boy, “Malayo pa ang mararating mo. You have enough spunk to make you a star.” 

READ: Chie Filomeno survives freak car accident on race track