• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Regine Velasquez, Moira Dela Torre react to funny audition video of Mimi for Idol PH

VIRAL: Regine Velasquez, Moira Dela Torre react to funny audition video of Mimi for Idol PH

'Dalagang Pilipina' viral vlogger Mimi’s funny audition clip catches the attention of Regine Velasquez and Moira Dela Torre.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/30/2019 12:05 PM
VIRAL: Regine Velasquez, Moira Dela Torre react to funny audition video of Mimi for Idol PH


Photo credits: IG @reginevalcasid IG @moirarachelle FB @mimiyuuuh

Kilala sa pagsisimula ng trending “Dalagang Pilipina” poses, muling na namang naglabas ng nakakatawang video si Mimi (@mimiyuuuh) sa kanyang social media na para daw sa kanyang “audition” sa Idol Philippines.

Sa isang tweet ni Mimi, pinakita niya ang nakakatawang pagkanta ng rap song na “Dalaga.”

 

Isang araw matapos ang pag-post, nagbigay ng kanilang reaksyon ang dalawa sa Idol Philippines judges na sina Moira Dela Torre at Regine Velasquez. 

"It's a wow for me," sabi ni Moira. "Nakakahinayang naman ang talent na ito. Dapat sumali sa (Idol Philippines). Ito talaga ang hinahanap namin eh," ayon naman sa tweet ni Regine. 


 

 

Maging ang opisyal na Twitter accoung ng Idol Philippines ay napansin ang viral video at sinabing, The OG IDOL-agang Pilipina yeah. Super YES to (Mimi) gurl!"

Matapos malaman ang mga reaksyon ng judges, tila ay nag-fangirl ang vlogger at ni-retweet ang mga ito. 

 


 

Nitong nakaraang linggo lang ay nag-guest din si Mimi sa MYX kung saan ay tinuruan niya sina VJ Sharlene at VJ Ai ng Dalagang Pilipina Challenge. 

Ang original audition video ay may mahigit 38,000 likes at 449,000 views sa ngayon.

Isa sa mga bagong Filipino YouTubers si Mimi ngayon. Mayroon na rin siyang mahigit 160,000 subscribers.