VIRAL: Coco Martin nakatanggap ng regalo mula sa isang lolo

Isang lolo ang naghintay ng ilang oras para lang maibugay ang kanyang regalo kay Coco Martin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/30/2019 11:19 AM
VIRAL: Coco Martin nakatanggap ng regalo mula sa isang lolo


Photo credit: @cocomartin_ph on Instagram/ Analiza Regalado's Facebook

Naging viral ang Facebook post ni Analiza Regalado noong Sabado, Abril 27 matapos ikwento na nakita niya ang isang fan ni Coco Martin na isang lolo na may hawak na portrait ng aktor at nais itong ibigay sa kanya.

“Nakita ko to si lolo sa gilid ng stage trying na maiabot to kay Coco Martin pero nabigo siya kasi ang dami ng tao at ang sabi ko ‘Lo hayaan mo po at least nakita muna po yung idol mo’ sabay ngumiti siya at ang sabi ‘Gusto ko lang sana tong ipakita sa kanya at ibigay,’” kwento ng netizen na pumukaw naman sa puso ng iba pang netizens.

Hindi naman nabigo ang nakatatandang fan ng FPJ’s Ang Probinsyano star dahil natanggap niya ito.

“Maraming salamat Lo, itong regalong ito ang magsisilbing inspirasyon sa akin. Kayo po ang tunay kong idolo! Mahal ko po kayo at sana sa susunod ay magkita tayo ng mas matagal,” ani Coco habang hawak ang regalo ng kanyang fan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming Salamat Lolo ❤️ #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on