• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez-Roxas on surrogacy: ‘Informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila’

Korina Sanchez-Roxas on surrogacy: ‘Informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila’

Korina Sanchez-Roxas also reacts to negative comments about her age as a first-time mother.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/30/2019 12:17 PM
Korina Sanchez-Roxas on surrogacy: ‘Informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila’


Photo credit: korina on Instagram (R)

Sinagot ng TV Anchor ni Korina Sanchez-Roxas ang mga negatibong isyu dahil sa paraan niya ng pagkakaroon ng kambal (surrogacy) at sa kanyang edad sa pagiging first-time mom.

Sa episode ng Magandang Buhay noong nakaraang Biyernes, April 26, nanatiling positibo ang pananaw ni Korina sa kabila ng mga taong ginagawan ng isyu ang kanyang edad. 

"To say that it is a handicap that I'm in my 50s—and [if] this age is a handicap, parang tinitignan mo yung baso ng half-empty instead of half full.

"I think [what is important] is the quality of time we give them," pahayag ni Korina. 

Ayon kay Korina, todo ang kanyang paghahanda bago pa man ipanganak sina Pepe at Pilar. 

"Kaya alam mo bago ito, todo pa-check up ako. Even long before that talagang yung fitness and yung health [ko] chineck ko lahat yan, ibig kong sabihin, handa ako," paliwanag ni Korina na sinabi ring gusto niyang mabuhay kasama ang asawang si Mar Roxas nang hanggang 100 years old para sa mga anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

From our home to yours...GOOOOOD MAWNIN’ PIPOL! 😆😊😍💚

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

 

Samantala, sa parehong episode din ng morning talk show ay sinabi ni Korina na maaaring tanggap na ng maraming tao ang paraan ng “surrogacy” o ang legal na paraan ng pagdadalang tao ng isang babae para sa magiging anak ng iba.

"Time has changed people's minds about this (surrogacy). In fact, nung mga panahon na 'yon, ang sabi ng mga kaibigan ko, 'Korina, ang bata ay bata, 'pag lumabas na ang sanggol, sino pa ang magne-nega diyan. 

"Ang punu't dulo niyan ay ang pagmamahal. So who can go against love and life?" ani Korina na inaming wala sa kanyang mga followers sa Instagram ang nagtanong o nagbigay ng negatibong komento tungkol sa surrogacy.

"I think informed na rin ang mga tao, mulat na rin sila, tanggap na nila 'yung ganyang klase," dagdag ng Rated K host.

READ: Twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas, may tig-limang pangalan

READ: Korina Sanchez and Mar Roxas’ twins blessed by Parish priest in US

LOOK: Korina Sanchez shares sneak peek of new nursery for twins