• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, sinimulan na ang banggaan sa telebisyon

Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, sinimulan na ang banggaan sa telebisyon

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/30/2019 1:02 PM
Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, sinimulan na ang banggaan sa telebisyon


Mapapanood na sa primetime bida ng ABS-CBN ang Mea Culpa.

Isang pagkakamali na magpapabago sa buhay ng anim na batang abogado matapos masagasaan ang isang misteryosang babae na may dalang sanggol na ninakaw sa ospital.

Inilagay ng grupo ni Juris na ginagampanan ni Bela Padilla ang batas sa kanilang mga kamay sa pagkamatay ng kanilang nasagasaan na babae. Kinupkop ni Juris ang sanggol at itinuring na sariling anak.

Pero hindi dito nagtatapos ang kanilang kuwento dahil sa paglaban ng karakter ni Fina na ginagampanan ni Jodi Sta Maria na sinasabing ina ng bata.

Sa naging simula nitong Lunes ng gabi, April 29, inaashan na mas titindi pa ang banggaan nina Jodi at Bela. Kasama din sa bagong teleserye sina Tony Labrusca, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi, Kit Thompson, Sandino Martin, Janice De Belen, Boboy Garovillo, at Agot Isidro.