• Home
  • Fresh Scoops
  • Jayda Avanzado, nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Darren Espanto

Jayda Avanzado, nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Darren Espanto

Jayda Avanzado, may mga rebelasyon tungkol sa kanila ni Darren Espanto

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/30/2019 1:08 PM
Jayda Avanzado, nilinaw kung ano ang relasyon nila ni Darren Espanto


Photo credit: @darrenespanto on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, may mga rebelasyon ang young artist na si Jayda Avanzado tungkol sa kanyang kaibigang si Darren Espanto.

Ani Jayda, isa sa mga thoughtful at sweet na ginawa ni Darren para sa kanya ang bigyan siya ng maliliit na regalo katulad na lang ng Harry Potter hoodie. “He did give me a hoodie for my birthday. It was a Harry Potter hoodie. I’m a Potterhead, he is one too,” kuwento ni Jayda.

Mapang-asar din daw na kaibigan si Darren. “Minsan po, ma-bully po yan. Mapang-asar po talaga siya.” Caring din si Darren ayon kay Jayda at isa sa mga halimbawa niya ay, “He checked up on me and he gave me that reassurance that he was there for me.”

Ilan pa sa mga rebelasyon ni Jayda tungkol kay Darren ay funny daw ito. Respectful din daw ang binata sa mga magulang ni Jayda na sina Jessa (Zaragoza) at Dingdong (Avanzado) at gusto rin si Darren ng mga magulang ni Jayda dahil daw, “You know because he’s one of my closest friends.” 

Matatandaan na last month lang ay pinuri pa ni Dingdong si Darren sa pagdepensa sa anak. 

READ: Darren Espanto on Jayda Avanzado: ‘Respect and stop the hate’

Dumalaw na rin si Darren sa bahay nila Jayda. Paglilinaw naman ni Jayda, dalaw kaibigan lang ang pagpunta sa kanila ni Darren. “Sa ngayon dalaw kaibigan po… yung careers po namin ay number one and we’re just there to support each other.”

Cute naman kaya si Darren para kay Jayda? Ani Jayda, “Really now? Kailangan ko po sabihin oo, kasi magta-tampo po yan sa akin. Lalo niya po akong ibu-bully.” 

Ang mga nagpapakilig naman kay Jayda sa showbiz ay sina Danilel Padilla at James Reid. “Kuya Daniel was my childhood crush from the beginning po. Sinusubaybayan ko po talaga yung Got To Believe, then yung napanuod ko po yung OTWOL (On the Wings of Love), si James po,” kuwento ni Jayda. 

Sa tanong naman kung pinapakilig siya ni Darren, ang sagot ni Jayda ay, “hindi naman niya po ako pinapakilig e. I haven’t really thought about that po. It hasn’t even crossed my mind po.”

Dinescribe din ni Jayda si Darren bilang “genuine/crazy.” At ang huling beses daw na pina-smile siya nito ay, “I’d say yesterday. He just called me… I hadn’t spoken to him on the phone for a while.”