• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Guila Alvarez nagbalik showbiz para sa ‘Kuwaresma’

EXCLUSIVE: Guila Alvarez nagbalik showbiz para sa ‘Kuwaresma’

Guila Alvarez, inaming nami-miss niya ang showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/30/2019 11:14 AM
EXCLUSIVE: Guila Alvarez nagbalik showbiz para sa ‘Kuwaresma’


Photo credit: @guila_alvarez IG

Sa exclusive interview ng PUSH sa dating Ang TV star na si Guila Alvarez na kasama sa cast ng pelikulang Kuwaresma na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta, ay inamin niyang 20 years na siyang nagpahinga sa showbiz bago napilit ni Direk Erik Matti na muling subukan ang pag-arte.

“The last movie I made was Ang TV, so ganun na katagal. Pero sa TV tuluy-tuloy pa rin until bumalik ako ng college,” simulang kuwento ni Guila.

After ng kanyang college ay nagtrabaho na raw siya sa corporate world kaya nag-stop na totally sa showbiz.

“Ngayon I work for Shell, 11 years na. So, nagpaalam lang ako sa boss ko para dito sa Kuwaresma kasi ang ganda talaga ng istorya, eh, parang hindi ko dapat palampasin,” patuloy niyang kuwento.

May balak na ba siya ulit umarte once in a while?

Nakangiti niyang sagot sa amin, “Siguro yung ganito, why not? Baka maging choosy ako, pipiliin ko kung ano yung mga puwede at hindi and siyempre I will have to adjust muna or ask my boss kung okay lang ba sa kanya.

“Pero yung magteleserye, hindi, hindi ko kaya. Niloloko nga nila ako, ‘Oh, bumalik ka na naman, baka yayain kang mag-Probinsyano kasi lahat nagpo-Probinsyano.’ Sabi ko, ‘Ay, parang hindi ko yata kaya. Baka mga one day, two days, game. Pero kung mahabaan mukhang malabo.”

Bagama’t okay sa corporate world hindi naman itinanggi ni Guila na na-miss din talaga niya ang showbiz.

“Super na-miss ko siya. Ever since naman kahit nag-stop ako lagi kong sinasabi sa mga friends ko na nakilala ko, sinasabi ko talaga na nami-miss ko talaga.

“I miss being somebody else. I miss working, yung environment na masaya lagi, na kahit matagal at puyatan pero masaya. Yon yung nami-miss ko, kasi sa work, 8 to 5 ka lang tapos after nu’n uwi ka na, tapos tomorrow is another day, same na naman yung gagawin mo. Ito kasi, everyday iba,” pahayag ng kapatid ni Gio Alvarez.

Kumusta naman ang mga dati niyang kaibigan from Ang TV? Meron pa ba silang komunikasyon?

“Meron kami actually na Messenger at Viber group ng mga Ang TV, so kahit yung mga nasa ibang bansa nakakausap namin. Pag umuuwi sila, gumagawa din kami ng reunion,” tsika pa niya.

Samantala, kasama rin sa Kuwaresma si John Arcilla. Ipapalabas ang pelikula sa May 15 mula sa Reality Entertainment at Globe Studios