• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas candidates, sumalang sa hair and make up tutorials

Binibining Pilipinas candidates, sumalang sa hair and make up tutorials

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/30/2019 12:46 PM
Binibining Pilipinas candidates, sumalang sa hair and make up tutorials


Image credit: @bbpilipinasofficial IG

Patuloy ang kaliwa’t kanan na activities ng 40 kandidata ng 2019 Binibining Pilipinas beauty pageant. Isa sa kanilang latest activity ay ang pagsabak sa isang hair and make-up workshop at tutorial.

Dito, nagbigay pointers ang ilang make-up experts sa kung ano ang tama at mabilisang pag-aayos na karaniwan na ginagawa sa international pageant scene.

At sa pagtatapos ng kanilang activity, tumanggap ng iba’t-ibang special awards ang ilang Binibini na nagpakita ng husay sa make-up and grooming sessions. Ito ay sina Vickie Rushton, Emma Tiglao, Samantha Bernardo, at Jessica Marasigan.

Sa darating na June 9, mapapanuod ang live telecast ng Binibining Pilipinas 2019 sa ABS-CBN.