• Home
  • Fresh Scoops
  • Alden Richards, inilarawan kung paano katrabaho si Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula

Alden Richards, inilarawan kung paano katrabaho si Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula

Inilahad din ni Alden Richards ang kanyang karanasan sa kanilang out-of-the-country shoot.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/30/2019 10:52 AM
Alden Richards, inilarawan kung paano katrabaho si Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula


Image credit: @bernardokath IG and @aldenrichards02 IG

Bumalik na ulit ng Hong Kong si Alden Richards nitong April 28 para sa remaining 10 shooting days ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Ang pelikula ay first team-up ng dalawa at first time din ni Alden to work with Star Cinema. Ang director ng Hello, Love, Goodbye ay si Cathy Garcia-Molina.

Kumusta namana ng shooting ng kanilang pelikula?

“Sobrang gaan ng shooting namin. Sobrang nilu-look forward ko araw-araw yung shooting days.

“Kasi yung treatment na binibigay sa amin ng Star Cinema, kakaiba. Parang hindi nila ako trinato na iba o taga-ibang network,” kuwento ni Alden.

Pansamantalang umuwi si Alden ng Pinas noong April 24 para sa grand opening ng fast food franchise niyang McDonalds sa Biñan Highway, Laguna.

Patuloy niyang kuwento about his working experience, “Sobrang saya po, mula director, staff, co-stars to crew, solid po kami. Yun po siguro ang advantage ng small group, mas nagiging intact, at saka iyong out-of-the-country po.”

Excited na rin si Alden na mapanood ng kanyang fans ang pelikula nila ni Kathryn.

Lahad niya, “Excited po ako na mapanood nila ito dahil ang ipapalabas po namin sa pelikulang ito ay mga makabagong OFW po.

“Kagaya nga po ng sabi ng Star, it's been a while since the last OFW movie na nagawa po nila. It’s about time na kamustahin naman natin ngayon, ano nga ba ang lagay ng mga OFW sa abroad, especially in Hong Kong.

“Tribute po natin ito sa mga kababayan natin sa Hong Kong, movie nila ito. Ito yung mga nangyayari ngayon, at inaral po talaga nilang mabuti. Si Direk, lumipad back and forth ng Hong Kong to Manila para aralin yung culture ng Pinoy doon. At yung script, grabe po yung script, ang ganda!”

Eh, how about working with Kathryn, kumusta naman?

“Sobrang dali pong pakisamahan. Yon lang ang masasabi ko!” pahayag ng aktor.

“Sobrang gaan katrabaho, yung passion po niya sa ginagawa at yung inputs niya sa project, mas nakaka-inspire,” dagdag pa niya.