• Home
  • Fresh Scoops
  • Valerie Concepcion recalls how she handled being a mom at 16

Valerie Concepcion recalls how she handled being a mom at 16

Valerie Concepcion remembers how she and her family handled her pregnancy when she was just 16.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/3/2019 11:17 AM
Valerie Concepcion recalls how she handled being a mom at 16


Photo credit: @niceprintphoto IG

Tinuturing ni Valerie Concepcion na "pinaka-pasaway na moment" sa kanyang buhay ang maagang pagbubuntis niya noong siya ay 16 years old pa lamang. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, April 2, ikinuwento ng celebrity mom kung paano niya hinarap ang pagiging teen mom noon.

"Sobrang na-in love ako, tapos siya yung first [boyfriend] ko akala ko magpapakasal—hello 15 ako nung naging kami, so parang feeling ko fairytale, eto na 'yon," pahayag ni Valerie sa mga momshie hosts.

Ayon sa aktres, naging mahirap para sa kanya na sabihin sa mga magulang ang pagbubuntis niya noon. "Hindi nila alam na may boyfriend ako. Tapos, diretso buntis agad, so hindi ko alam kung paano sasabihin," ani Valerie.

Niyaya mang pakasalan si Valerie ng ama ng anak ay hindi na rin pumayag ang mga magulang niya dahil sa wala pa siya sa tamang edad.

"My parents said no, kasi nga, I was only 16. So sabi nila, 'Pag 18 na siya at nasa legal age na siya puwede siyang magpakasal, kung gusto niya pang magpakasal, bumalik ka na lang," kuwento ni Valerie na sinabing hindi na rin siya binalikan ng naturang lalaki. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Beautiful Valerie Concepcion 💍 #bride #prenuptialshoot

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Para kay Valerie, ang kanyang maagang pagbubuntis ang nagturo sa kanyang maging responsable sa sarili. "At the age of 16, una iyak-iyak lang ako. 

"And then bigla na lang sabi ko [sa sarili ko] 'Kung wala akong aasahan kailangan [isipin] ko sarili ko. Magtrabaho na ko, kasi may buhay na akong susuportahan e. So, automatic, yung mother's instincts ko lumabas," aniya.

Sa ngayon, masaya at proud si Valerie sa kanyang bagong ka-relasyon na si Francis Sunga. Sa katunayan, engaged na ang dalawa at pinaghahandaan na rin ang kasal.

Mapapanuod si Valerie Concepcion bilang Cindy sa Kadenang Ginto