• Home
  • Fresh Scoops
  • Polo Ravales sa mga biktima ng video scandal: 'You should be responsible'

Polo Ravales sa mga biktima ng video scandal: 'You should be responsible'

Para kay Polo Ravales, dapat maingat ang mga gumagawa ng mga sex video.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/3/2019 7:35 PM
Polo Ravales sa mga biktima ng video scandal: 'You should be responsible'


Photo credit to: @poloravales IG

Mainit na isyu ngayon ang mga kumakalat na video scandal ng ilang kilalang personalidad at nagbigay komento naman ang aktor na si Polo Ravales.

Para sa aktor, dapat daw ay maingat ang mga gumagawa nito.

"Wala akong sympathy sa kanila. None. You should be really responsible. Nag-video ka e," ani Polo nang makapanayam siya ng PEP.

"Wala akong ganoon. Kung meron, e, di sana lumabas na, 'di ba? Maingat ako," dagdag pa niya.

Pabor din ang Portrait of My Love star na pangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang artistang nasa kanilang drug list.

"Kung politicians at pulis pinapangalanan, bakit hindi ang mga artista? Ako kasi, drug-free talaga ako. Kahit noong bata ako, hindi ako gumagamit ng illegal drugs," ani Polo.

Kwento niya, mayroon din siyang kasamahan noon sa trabaho na inalok siya gumamit ng droga ngunit tumanggi ito.

"Meron pero tinanggihan ko. Sabi ko, hindi ko kaya. Baka hindi kaya ng katawan ko."