Jaya on MayWard: ‘They’re so real and humble’

Jaya at mga anak, ‘faney’ ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/3/2019 11:44 AM
Jaya on MayWard: ‘They’re so real and humble’


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Jaya na kinikilig siya sa tambalang Maymay Entrata at Edward Barber. Rebelasyon pa niya, “yung mga anak ko kasi faney ng MayWard. ‘Pag gabi nanunuod kami ng PBB (Pinoy Big Brother)… But I really really like these two as yung normal nila, as themselves. Mabait, grabe yung Maymay at Edward.”

Dahil dito, nagbigay ng mensahe ang MayWard sa batikang singer sa pamamagitan ng video message. Ani Maymay tungkol kay Jaya, “kahit nasa ganitong level na po siya pero pagkausap niyo po siya, hindi niya ipapa-feel sa inyo na diva siya.”

Ayon naman kay Edward, “It’s such a great feeling that we have someone supporting us who’s as experienced and talented and as good as she is.

Pagpapatuloy pa ni Maymay, “Maraming salamat Ms. Jaya. Ka-church mate din namin siya. We love you Ms. Jaya. Mahal na mahal ka namin at sa pamilya niyo din po. You inspire us a lot.

Pagbati ng MayWard kay Jaya, “Happy birthday Ms. Jaya. Happy 30th anniversary.”

Sagot naman ni Jaya sa MayWard, “Love you May and Edward. They’re so real and humble.

Ise-celebrate ni Jaya ang 30 years niya sa industriya sa pamamagitan ng isang concert ngayong gabi, April 3.

LOOK: Jaya gears up for her 30th anniversary concert