• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, ibinahagi kung saan galing ang kanyang mga hugot para sa kanyang trabaho

Arci Muñoz, ibinahagi kung saan galing ang kanyang mga hugot para sa kanyang trabaho

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/3/2019 11:46 AM
Arci Muñoz, ibinahagi kung saan galing ang kanyang mga hugot para sa kanyang trabaho


Si Arci Muñoz ang leading lady ni JM De Guzman sa pelikulang Last Fool Show ng Star Cinema.

Gaya ni JM na makulay ang mga heartaches na naranasan sa kanyang buhay, nakahugot naman si Arci ng kanyang emosyon sa kanyang trabaho bilang artista.

“Ako po nagamit ko ang mga heartaches ko bilang artista sa mga crying scenes, mga drama na mga nagawa ko po hindi lang sa nitong mga nakaraan. Rom-comish ang mga ginagawa ko kahit na sa soap eh,” sabi ni Arci.

Malaking pagsubok para kay Arci ang pamamaalam ng kanyang ama na naging dahilan ng pagbabago ng takbo ng kanyang career.

“May time talaga sa life ko na nung mawala yung dad ko talagang napagod ako gumawa ng drama, ang bigat bigat. Sabi ko puwede po ba mag comedy muna ako?” kuwento ni Arci.

Minsan naman sa kanyang ex siya humuhugot ng emosyon.

“Kapag kailangan ko magalit, iniisip ko ang pang-gagago ng ex ko. Galit na ako agad,” pahayag ni Arci.

Ipapalabas ang Last Fool Show sa April 10