Ai-Ai delas Alas, nanawagan sa social media

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/3/2019 11:41 AM
Ai-Ai delas Alas, nanawagan sa social media


Photo credit: @msaiaidelasalas IG

Nananawagan ngayon si Ai-ai delas Alas sa publiko matapos umano na pagnakawan ang kanyang ina ng bagong taga pag-alaga nito.

Sa Facebook post ng comedy concert queen, ibinahagi nito ang impormasyon ng bagong caregiver ng kanyang ina na tumanggay umano ng ilan sa alahas at pera my kanyang ina.

“Eto ang bagong caregiver ng nanay ko. Umalis siya ngayun at kumuha ng alahas at pera ng nanay ko. Any information ipagbigay alam sa number na ito 0977511797-- salamat po-- paki share na lang po para hindi kayo mabiktima nitong taong ito,” pahayag niya sa post.

Hindi na nagbigay detalye pa ang komedyana kung magkano ang halaga ng natangay ng nasabing caregiver sa kanyang ina.

Sa huli, umaasa si Ai-Ai na maibabalik pa ang importanteng gamit ng kanyang ina