• Home
  • Photos
  • CUTE! Andre Brouillette posts throwback family photos

CUTE! Andre Brouillette posts throwback family photos

Andre Brouillette misses his family in Hawaii and posts some of his old photos on his Instagram.

BY PUSH TEAM

PHOTOS

4/29/2019 11:13 AM

"Take back. miss you fam," na may heart emoji ang caption na inilagay ng isa sa Big Four ng Pinoy Big Brother OTSO Batch 2, na si Andre Brouillette, sa kanyang throwback post sa Instagram. 

Ibinahagi ni Andre ang mga lumang larawan kasama ang kanyang mga magulang, pati na rin ang nakababatang kapatid na si Liana. Sa comment section, makikita ang pagreply ng ina ni Andre ng, "Miss you sooo much, life is different without you in my sights." 

Tubong Pangasinan ang ina ni Andre, habang ang ama niya naman ay mula sa Amerika. Pinanganak at lumaki si Andre sa Hawaii, kasama ang isa niyang kapatid. 

Kilala bilang Amazing Alo-Hunk si Andre sa loob ng Bahay ni Kuya. Bukod sa kanya, kinumpleto nina Lou Yanong, Fumiya Sankai, at Yamyam Gucong ang Big Four ng kanilang Batch sa PBB.