Nadine Lustre wins Best Actress at the 67th FAMAS Awards

Ibinahagi ni Nadine Lustre ang ilang pagsubok na kanyang pinagdaanan habang ginagawa ang pelikulang ‘Never Not Love You.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/29/2019 10:02 AM
Nadine Lustre wins Best Actress at the 67th FAMAS Awards


Photo credit: @tonetjadaone on Instagram

Makulay at puno ng ningning ang naganap na 67th FAMAS awards night sa Meralco Theater sa Pasig City nitong April 28, Linggo ng gabi.

Extra special ang naging programa kasabay ng ika-100 taon ng Philippine Cinema na highlight din sa mga ipinamigay na tropeo sa gabi ng parangal.

Dito, naging emosyonal din ang itinanghal na Best Actress na si Nadine Lustre kung saan ibinahagi niya ang kanyang naging pinagdaanan habang ginagawa ang pelikulang Never Not Love You.

“FAMAS, maraming maraming salamat po. Gusto ko lang po ikuwento sa inyo ang naging experience ko dito sa Never Not Love You, October 2017 po kasi mayroong isang malaking bagyo na dumaan sa buhay ko,” bungad ni Nadine.

“Sobrang malaking damage din po ‘yung ginawa nito sa akin. So a few months po bago po namin simulan ang Never Not Love You palagi ko pong iniisip kung itutuloy ko pa, kasi nararamdaman ko na baka ma-disappoint ko lang sina direk Tonet (Jadaone) at Boss Vic (del Rosario). Ilang beses ko na din po gustong umatras,” patuloy pa ni Nadine.

Aniya, unforgettable at espesyal ang kanyang parangal.

“Kahit po na andoon po ako sa lowest point ko, naitawid ko po ‘yung pelikula with flying colors, kaya maraming salamat po sa aming mga supporters,” sabi pa ni Nadine.

Bukod sa kanilang JaDine supporters, pinasalamatan din ni Nadine ang kanyang management team at mga direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Special mention din ang ka-love team at boyfriend na si James Reid sa kanyang naging acceptance speech. 

“Sa lahat po ng bumubuo ng Never Not Love You and of course kay James, na lagi akong pinu-push na to be my very best, and sinisiguro po niya na naalala ko I am bigger and stronger than any storm that comes my way,” pahayag pa ni Nadine.

Samanatala, narito naman ang listahan ng mga nagwagi sa 67th FAMAS Awards: 

Best Actor: Eddie Garcia para sa pelikulang ML at Victor Neri para sa pelikulang A Short History of a Few Bad Things

Best Picture: Gusto kita with All My Hypothalamus

Best Supporting Actor: Joem Bascon  para sa Double Twisting Double Back

Best Supporting actress: Adrienne Vergara para sa Dog Days

Best Director: Dwein Baltazar para sa  Gusto Kita With My Hypothalamus

 

Special Awards: 

Lifetime Achievement Award: Laurice Guillen, Marilou Diaz-Abaya at Charo Santos

Dolphy King of Comedy Award: Maricel Soriano

FPJ Memorial Award: Anne Curtis 

Dr Jose Perez Memorial Award: Ali Sotto

German Moreno Youth Achievement Award: Maymay Entrata at Bianca Umali

Best Original Song: “Buhay Teatro“ mula sa pelikulang Paglisan

Best Short Film: Siyudad sa Bulawan