• Home
  • Fresh Scoops
  • Lou Yanong at Andrei Brouillette, nag-jack en poy para sa date ng kanilang ‘monthsary’

Lou Yanong at Andrei Brouillette, nag-jack en poy para sa date ng kanilang ‘monthsary’

PBB Housemates Lou Yanong at Andrei Brouillette, nag-jack en poy sa Gandang Gabi Vice para malaman kung ano nga ba ang kanilang official monthsary date.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/29/2019 10:19 AM
Lou Yanong at Andrei Brouillette, nag-jack en poy para sa date ng kanilang ‘monthsary’


Sa Gandang Gabi Vice, pinagdesisyunan na ng tambalan at magkasintahang LouDre o Lou Yanong at Andrei Brouillette kung ang monthsary nila ay March 28 or March 29. 

Parehong Pinoy Big Brother Otso finalists ang dalawa at sa bahay rin sila ni Kuya nagkakilala, nagkagustuhan at naging “in a relationship.” 

READ: PBB Otso housemate Andre says sorry to Lou’s father for kissing her

Nag-jack en poy ang dalawa sa GGV at nanalo si Lou kung kaya ang official monthsary na nila ay March 28. 

Nang tanungin ni Vice Ganda kung walang ligawan ba na naganap sa kanilang dalawa, sinabi ni Lou na, “Matagal yun. Hindi ko siya gusto nung una. Na-develop lang talaga sa task, sa challenges. Nakilala ko si Andrei.”

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit nagustuhan niya si Andrei? “The way he talks about his family lang I guess,” aniya.  

Kwento pa ni Lou, tinuturuan niya rin si Andrei magsalita ng Tagalog.