• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Geisler to marry non-showbiz girlfriend in Cebu

EXCLUSIVE: Baron Geisler to marry non-showbiz girlfriend in Cebu

Nakilala ni Baron ang non-showbiz girlfriend na si Jamie sa Cebu kung saan nagtayo din siya ng isang negosyo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/29/2019 7:09 PM
EXCLUSIVE: Baron Geisler to marry non-showbiz girlfriend in Cebu


Sa Cebu City na naka-base ngayon ang aktor na si Baron Geisler. Ayon sa kanya nang makausap namin siya sa telepono, isang taon na rin siyang nasa Cebu at doon nagnenegosyo.

Sa Cebu na rin nakilala ni Baron ang girlfriend na si Jamie Marie Evangelista na balak na rin niyang pakasalan anytime soon.

“Tapos na kami sa engagement part. Three months ago pa yon,” balita niya sa amin.

Naging opisyal daw ang relasyon nila ni Jamie noong September 2018 kaya bale eight months na silang mag-on.

Kuwento pa ni Baron sa PUSH tungkol sa girlfriend niya, “Psychologist si Jamie. She works sa rehab, freelance psycho therapist siya. She teaches college students also. Kinukuha siya ng mga  rehab center para tumulong sa mga addict at alcoholic.”

Ibinahagi rin ni Baron sa amin kung ano ang mga nagustuhan niya sa girlfriend.

“She’s very patient  sa akin. Alam niya kung paano ako templahin. Super happy ako kasi maalaga siya.

“When I had nothing, wala pa yung barber shop ko, nung walang-wala ako she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” sambit pa niya.

Isang barber shop ang itinayo ni Baron sa Cebu – ang Gents Barber – na matatagpuan sa 2nd level ng Gaisano Country Mall.

“Ginamit kong puhunan yung konti kong namana at ibinenta ko yung Fortuner ko para makapagsimula.  Kakabukas lang nung barber shop ko and so far it’s doing good naman,” pagmamalaki pa ng aktor.

Eh, bakit nga ba nagdesisyon na siyang magpakasal?

“Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya,” sagot niya sa aming tanong.

Kelan naman ang kasal nila ni Jamie?

“Pinaplano na namin yung tungkol diyan, pero wala pang date. May mga kailangan kaming bayaran, and then, baka it’s either next year or sooner. Bahala na si God, but we want it as much as possible.

“Ang sa akin kasi, ayokong mag-premarital sex,  we want to do it right,” rason pa niya.

Nagkaroon na ng comeback sa pag-arte si Baron at mapapanood nang muli sa TV bilang Dante sa Ang Probinsyano