• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, sinagot ang isyu ng pagiging ‘insensitive’ ng mga jokes niya

Alex Gonzaga, sinagot ang isyu ng pagiging ‘insensitive’ ng mga jokes niya

Ipinaliwanag ng aktres at YouTuber na si Alex Gonzaga kung paano niya tinatanggap ang mga kritisismo sa kanyang paraan ng pagpapatawa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/29/2019 10:37 AM
Alex Gonzaga, sinagot ang isyu ng pagiging ‘insensitive’ ng mga jokes niya


Photo credit: @cathygonzaga on Instagram

Naging tapat ang 'Phenomenal Filipino YouTuber' na si Alex Gonzaga, sa isyu ng pagiging 'insensitive' niya daw sa pagpapatawa, sa nakaraang interview niya sa Inside The Cinema ng Cinema One. 

Ayon kay Alex, tinatanggap niya ang mga kritisismong nababasa niya sa kanyang mga vlogs, na para sa kanya ay nakakatulong bilang isang content creator.

"Mayroon talagang times na constructive yung sinasabi nila, na kailangan mo talagang i-improve. And I think nagiging better kami as a content creator," pahayag ni Alex.

Binalikan din ni Alex ang isang beses na nakatanggap siya ng masasakit na salita mula sa mga netizens dahil sa pagbibitaw ng 'insensitive jokes' sa kanyang video. 

READ: Alex Gonzaga tells netizen her new vlog disclaimer meant not to offend anyone

"So dati tingin ko nga - okay so nainis ka (viewer), choice mo 'yan, kasi ayaw mo naman ako, pinanuod mo ako. 

"But now, tine-take ko siya - sa mga nagsalita sa kin na sometimes I'm insensitive - mas lumalalim na [ako]. Mas nafi-filter ko na, so mas tumatalino ka na, mas nagiging creative ka na,"

"Minsan kasi Tito Boy kasi kapag pagod na ko, at kailangan may gawin [akong] video, tapos kailangan [kong] magpatawa, minsan pupunta [ako] lugar - na yung 'insensitivity' parang nakakawatawa siya. So now, iniiwasan ko na yun," paliwanag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gagaling din wisdom tooth ko. Kapit lang bes 😂

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

Nang tinanong naman siya kung paano niya pinipili ang mga karapat-dapat tanggapin na mga kritisismo, sagot ni Alex, "Kapag may nakita akong ten or more, na same ang comments, mayroon sigurong something. [Kasi] meron namang, isa lang siya, so alam mong hater na lang siya."

Isa si Alex sa mga Filipino YouTubers na nakatanggap na ng Gold Play Button Award. Sa ngayon, may mahigit na tatlong milyon na ang subscribers ni Alex. 

Panuorin ang interview dito: