Kilalanin ang bagong Center Girl ng MNL48

Umaasa ang MNL48 na mas lalong titibay ang suporta ng kanilang mga fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/28/2019 12:02 PM
Kilalanin ang bagong Center Girl ng MNL48


Photo courtesy: MNL48 Facebook account

Bumuhos ang emosyon ng 48 girls ng MNL48 sa kanilang pag-salang sa second general election nitong Sabado ng gabi, April 27, sa ABS-CBN Tent.

Dito, ipinakilala na din ang bagong Center Girl na unang ginampanan ni Shekinah “Sheki” Arzaga noong first General Election na napanood sa It’s Showtime.

READ: MNL48 names Sheki as center girl, reveals 15 other first generation members

Ngayon, ipinakilala na si Jhona Alyanah Padillo bilang bagong Center Girl ng MNL48.

Mula sa text votes, nakakuha si Aly ng pinakamataas na boto mula sa kanyang mga supporters.

Si Sheki naman na dating center girl, bumaba sa number 4 spot. 

READ: MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen?

Samantala narito naman ang official ranking ng MNL 48 Senbatsu.

#1  - Aly (Center Girl ) 
#2 - Sela
#3 - Abby
#4 - Sheki 
#5 - Sayaka
#6 - Jamie
#7 - Alice 
#8 - Ash
#9 - Rans
#10 -Faith
#11 - Jan
#12 - Gabb
#13 - Jem
#14 - Kyla
#15 - Grace
#16 - Rowee

Sa second generation ng MNL48, inaasahan na mas lalong mamahalin ng MNL Lovers ang kanilang mga idolo.