• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It was actually a therapy for her’: Toni Gonzaga on sister Alex’s vlogging career

‘It was actually a therapy for her’: Toni Gonzaga on sister Alex’s vlogging career

Ikinuwento rin ni Toni Gonzaga kung paano siya nakumbinsi ni Alex na gumawa ng sariling YouTube channel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/28/2019 10:03 AM
‘It was actually a therapy for her’: Toni Gonzaga on sister Alex’s vlogging career


Photo credit to: @celestinegonzaga IG

Aminado ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga na ang kapatid niyang si Alex Gonzaga ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. 

Sa interview ng dalawa sa Inside the Cinema ng Cinema One kasama si Bianca Gonzalez, ikinuwento ni Toni kung bakit matagal bago siya nakumbinsing bumuo ng sariling YouTube Channel.

Ayon kay Toni, hindi siya naniniwala noon na bagay ang kanyang personality bilang introvert sa mundo ng vlogging. "It was actually Alex, who convinced me for the longest time to open up my own channel, because I keep telling her na there's no space for me as an introvert to be on YouTube.

"Kasi parang feeling ko, ‘Sino manunuod sa akin?’ Kasi boring akong tao kasi in real life, ganito lang naman ako," kuwento ni Toni.

Sa 35th birthday niya noong January 21 unang inanunsyo ni Toni na meron na siyang sariling channel. Ayon sa kanya, na-realize niya na bilang artista ay hindi dapat limitado ang oportunidad na makilala siya ng kanyang mga fans. 

"Na-realize ko as you grow older, and you stay long in the industry, you can't just limit yourself.

"You cannot put fences around na hanggang dito lang ako. Kasi feeling ko na parang when you limit yourself, you do not give yourself an opportunity to grow and to expand," paliwanag ni Toni. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Today’s shoot with this pretty gurl @cathygonzaga 😻

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

 

Read: Mataray ba si Toni? Alex clarifies assumptions about her sister

WATCH: Toni Gonzaga successfully does her makeup while inside a moving car

Sa parehong interview din ay sinabi ni Toni kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapatid na si Alex. "I'm happy for her, 'cause for the longest time she's been looking for a platform where she can be herself," pahayag ni Alex sa host na si Tito Boy.

Dagdag ni Toni, bukod sa pagiging successful ni Alex bilang fastest growing Filipino YouTuber, naging therapy din ang vlogging na ito sa kapatid. 

"Honestly Tito Boy, when she veered towards that direction (vlogging), it was not for money, it was not to monetize it. It was something that—I keep telling people this, but baka ayaw niyang i-admit—it was actually a therapy for her. 

"It was something to release her personality, so that people will stop comparing her to me. And accept her and embrace her for who she is," ani Toni. 

Isa rin si Toni sa mga Filipino YouTuber na may pinaka-mabilis na pagdami ng subscribers. Sa ngayon, umabot na ng mahigit 950,000 subscribers ang channel ng aktres, sa loob lamang ng tatlong buwan. 

Panoorin ang buong interview dito: