• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Gonzalez says ‘influencer’ is a ‘misused’ word nowadays

Bianca Gonzalez says ‘influencer’ is a ‘misused’ word nowadays

Ipinaliwanag ni Bianca Gonzalez kung bakit sa tingin niya ay 'misused' at 'overused' ang salitang "influencer" sa panahon ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/28/2019 9:56 AM
Bianca Gonzalez says ‘influencer’ is a ‘misused’ word nowadays


Photo credit to: @iamsuperbianca IG

Nagbigay ng kanyang opinyon ang Kapamilya host at social media personality na si Bianca Gonzalez sa paggamit ng salitang "influencer" ngayon online. Kasama sina Toni at Alex Gonzaga, ipinaliwanag ito ni Bianca sa isang episode ng Inside The Cinema sa Cinema One. 

"Tama yung sinabi ni Catherine (Alex Gonzaga) na, even if you only have 2,000 followers, influencer ka in the sense na yung mga nagfa-follow sa 'yo kung ano man ang specific interest mo, mai-influence mo.

"Tama din si Toni in that, na sana ideally, ang influencer is something na it follows lang because of the lifestyle that you have.

"Hindi yung gusto ko maging influencer so magta-travel ako, or mag-beauty ako. Parang it’s supposed to come organically, based on kung sino ka bilang tao," paliwanag ni Bianca nang tinanong siya at ang ibang guests kung ano para sa kanila ang pagiging influencer.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Day 👈🏼 and night 👉🏼 by @gerypenaso. 💄

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) on

 

Read: Bianca Gonzalez defends morena girls: ‘Maganda ang kulay namin’

Dagdag ni pa ni Bianca, nagiging sobra at mali na ang paggamit ng salitang "influencer," sa kultura ng social media ngayon. 

"I strongly feel na the word influencer is really used, misused, and abused today. 

"Parang lahat na lang infuencer, which—nothing wrong with being an influencer but I feel its a title or a label that others should give to you, hindi mo ibibigay sa sarili mo," paliwanag ni Bianca. 

Sa parehong episode din ay inalala ni Bianca ang dahilan kung bakit niya naisip na magsimula gumawa ng personal na blog noong 2003.

"Kasi 2003, junior ako sa college. Ka-course ko si Ala Paredes, anak ni Jim Paredes, she was blogging. Sabi ko, 'Astig naman non, pwedeng diary online, ang cool.'

"Nagsusulat ako ng feelings about college life, about politics, social issues," kuwento ng Kapamilya host, na ayon pa sa kanya ay hindi pa uso noon ang bashing, maging ang pagkita sa online content.

Kilala si Bianca ngayon sa kanyang YouTube Channel na Paano Ba 'To, hango sa kanyang libro na nilabas noong 2014 na may parehong title.

Panoorin ang interview dito: