Pilipinas, magiging host country ng Mr. World 2019

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/27/2019 11:41 AM
Pilipinas, magiging host country ng Mr. World 2019


Photo credit: @MrWoldFinal Facebook page (L) and @jbsaliba IG

Proud na ibinalita ng Mr. World Philippines franchise holder at talent manager na si Arnold Vegafria ang mga dapat abangan ngayong taon sa male pageant.

Sa inilabas na official statement ng Mr .World Organization, ibinalita nito na ang Pilipinas ang magiging host country ng Mr. World pageant ngayong 2019.

Ayon sa statement, gaganapin sa Araneta Coliseum ang nasabing pageant ngayong August 23 kung saan lalaban ang pambato ng Pilipinas na si JB Saliba ng Olongapo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🇵🇭🌎 #jbereadyworld #mrwp2018 📸 from rappler

A post shared by JB Saliba (@jbsaliba) on

 

Patikim ng pageant organizer na magiging engrande ang coronation night ng Mr. World sa Pilipinas at inaasahan din na makakatulong ito sa turismo. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa bansa ang nasabing pageant.