• Home
  • Fresh Scoops
  • Miriam Quiambao talks about her sacrifices for her 'miracle' baby

Miriam Quiambao talks about her sacrifices for her 'miracle' baby

Dalawang buwan matapos ipanganak niya si Baby Elijah, inalala rin ni Miriam Quiambao ang pumanaw na ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/27/2019 11:25 AM
Miriam Quiambao talks about her sacrifices for her 'miracle' baby


Photo credit: @miriamq888 IG

“Miracle baby” ang tawag ni Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao sa kanyang bagong silang na anak na si Baby Elijah.

Ikinuwento ng dating beauty queen sa episode ng Magandang Buhay kahapon, April 26, ang mga sakripisyo at mga natutunan niya bilang first time mom sa edad na 43.

"Ganon pala noh, kapag nanay ka, kahit mahirap gagawin mo ang lahat e. Lahat ng sacrifice na pwede.

"Sa pregnancy pa lang nga e, ang dami ko nang naging sacrifice diyan. Biruin mo gabi gabi, kailangan kong mag-inject nung 'pampakapit.' Kailangan kong i-cancel lahat ng trips ko, lahat ng talks ko, hindi ako pwedeng tumanggap ng trabaho hanggang manganak ako," pahayag ni Miriam.

Maaalalang naging bukas sina Miriam at asawa nitong si Ardy Roberto sa pagbibigay ng updates sa maselang pagbubuntis ng aktres noon, lalo na sa posibilidad ng pre-mature na panganganak.

Read: Miriam Quiambao says getting pregnant at 43 is a miracle

Read: Husband of Miriam Quiambao reveals possibility of premature birth

Ngayong ipinanganak nang healthy ang kanilang baby, pagpupuyat at pag-aadjust ng katawan naman ang kanyang bagong sakripisyo ngayon. Biro pa niya, "Hashtag Team No Sleep" (#TeamNoSleep). 

 

  

 

Samantala, sa parehong episode din ay binalikan ni Miriam, ang alaala ng kanyang namayapang ina na ayon sa kanya ay excited sa kanyang pagbubuntis noon.

"Actually naalala ko nga ang nanay ko, bago pa lang siya namatay noong nasa ospital pa lang siya, lagi niyang tinatanong, 'Oh ano buntis ka na ba? Kailan ka ba mabubuntis?'" kuwento ni Miriam, na sinabing maaaring masaya na ngayon ang ina sa langit at natupad na ang pangarap nitong magka-apo.

Pumanaw ang ina ni Miriam noong 2015 dahil sa sakit na breast cancer.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

After the Lord graciously restored my relationship with my parents in 2010, Mom and I had gotten very close. We often got together for lunch dates near our workplaces and I visited my parents every Sunday at our house in QC. . This photo was taken sometime in 2012, several weeks after I just returned from a trip in Hawaii. I was invited to share my transformation story at a women’s event in Makati and I invited my mom join me. It was the first time she heard my testimony and I believe that she prayed to receive Jesus as her Lord & Savior that day. . Four years ago today, April 3, 2015, she went on to meet the Lord. I am so grateful to have had the opportunity to spend time with her, to get to know her better, to thank her, to tell her how much I love her, and to share the gospel with her that day and again a few days before she passed on. . As a mom myself, I appreciate her even more now and miss her more than ever. She would have wanted to meet Baby Elijah but I’m sure she is having the grandest time in her afterlife. One day, we’ll all be together in heaven. Until then. . Happy Birthday in Heaven Mommy. I miss you. I love you. 😍❤️🙏🏼 . 1 John 5:13 “I write these things to you who believe in the name of the Son of God so that you may know that you have eternal life.” . #MissingMommy

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on