Ejay Falcon, nais maging bahagi ng Philippine Army

Na-inspire naman si Ejay Falcon nang makita niyang PH Army reserve si Matteo Guidicelli.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/27/2019 3:51 PM
Ejay Falcon, nais maging bahagi ng Philippine Army


Photo credit: @ejaythefalcon IG

Naghahanda ngayon ang aktor na si Ejay Falcon para sa kanyang seryeng Sandugo kasama si Aljur Abrenica at hindi naman nalalayo ang kanyang pangarap sa totoong buhay na maging bahagi ng Philippine Army.

Sa panayam ng ABS-CBN News, Ejay Falcon wants to join the Philippine Army ikinuwento ni Ejay na na-inspire naman siya kay Matteo Guidicelli na kamakailan ay naging Army reservist.

LOOK: Philippine Coast Guard names Matteo Guidicelli, Erwan Heussaff, Nico Bolzico as newly inducted officers

"Actually nakita ko nga 'yung kay Matteo, kinuha ko 'yung link at sinend ko sa manager ko. Sabi ko, 'Paano makakapasok sa ganito?' And ita-try nila hanapin kung paano," aniya.

“Ako gusto ko talaga. Kasi ever since talaga, noong bata pa ako, kung hindi ako artista gusto ko maging Marine. Ganun talaga 'yung gusto kong puntahan,” dagdag pa niya.

Para kay Ejay, “Mas gusto ko talaga Army pero may mga tao siyempre sa likod na hindi ko alam kung papayagan ako. Kasi alam natin na mas delikado ang Army kasi inilalagay sila sa bundok, sa field. Iba 'yung kalaban nila."

Pumirma muli ang aktor ng kontrata sa Kapamilya network kamakailan.