• Home
  • Fresh Scoops
  • Ben and Ben, sinabi kung ano ang inspirasyon sa kantang ‘Kathang Isip’

Ben and Ben, sinabi kung ano ang inspirasyon sa kantang ‘Kathang Isip’

Bandang Ben and Ben, sinabing ‘love at first jam’ ang pagkakabuo ng banda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/27/2019 12:43 PM
Ben and Ben, sinabi kung ano ang inspirasyon sa kantang ‘Kathang Isip’


Pinaunlakan ng bandang Ben and Ben ang Tonight with Boy Abunda at pinarinig nila ang ilan sa mga sikat nilang musika katulad ng “Kathang Isip” at “Maybe the Night.”

Ayon sa kambal na sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico, nagsimula sila bilang duo pero naging band of nine sila nang imbitahan nila ang mga kaibigan na tumugtog para sa launch ng mga nauna nilang komposisyon tulad ng “Kathang Isip,” “Ride Home,” at “Leaves.”  Ang pagsasama-sama daw nila ay “love at first jam.” 

Nagsalita rin si Paolo kung saan nagmula ang kantang “Kathang Isip” na base sa personal niyang karanasan. Aniya, “Sa relationships, okay talaga pag merong ligaw, official na and everything. Mahirap kapag all throughout sobrang malabo or walang label, walang anything.”

Napag-uusapan din daw nila at “very intentional” sila na maging simple lang sila at wag lumaki ang ulo bilang artists. Ani Miguel, “Cheesy man pakinggan but we always talk about it… In fact, at the start of this year we have like a band retreat.” 

Pagdating naman sa hatian ng pera sinabi ni Paolo na, “Everything is equal sa band.”

Normal lang din daw nag-aaway sila paminsan minsan dahil sa creative differences pero naayos naman daw ito at the end of the day.