• Home
  • Photos
  • LOOK: Richard Gutierrez, Angel Locsin, John Lloyd Cruz reimagined as Marvel superheroes

LOOK: Richard Gutierrez, Angel Locsin, John Lloyd Cruz reimagined as Marvel superheroes

Paano kung mga Pinoy celebrities ang gumanap bilang Captain America, Black Widow, Iron Man, at iba pang Marvel superheroes?

BY PUSH TEAM

PHOTOS

4/26/2019 11:10 AM

Viral ngayon sa social media ang koleksyon ng artwork ng Pinoy graphic artist na si Glenn Paolo Villeza (@gpaovilleza). Ipinakita kasi niya ang kakaibang bersyon ng mga Marvel superheroes, kung mga Filipino actors ang gaganap dito.

"Mga Tagapag-higanti" kung tawagin ng artist ang kanyang koleksyon, inspired sa movie series na Avengers. Makikita dito sina Richard Gutierrez bilang Captain America, Angel Locsin bilang Black Widow, John Lloyd Cruz bilang Iron Man, at marami pang iba. 

Maraming netizens ang natuwa at nag-share ng post ni Glenn, lalu pa ngayong trending din ang pinaka-bagong pelikula ng Marvel na Avengers: Endgame na di umano ay kumita ng P205,676,345 pesos, sa unang araw sa Pilipinas. Ito na rin ang tinaguriang Marvel film na may pinaka-malaking kita sa unang pagbubukas, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Tingnan ang kumpletong listahan ng koleksyon ni Glenn dito: