• Home
  • Fresh Scoops
  • Limang local films, makikibahagi sa 21st Far East Film Festival sa Italy

Limang local films, makikibahagi sa 21st Far East Film Festival sa Italy

Apat na Pinoy film entries ang sasabak sa kompetisyon, habang isang pelikula naman ang magwo-world premiere sa nasabing film festival.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/26/2019 1:05 PM
Limang local films, makikibahagi sa 21st Far East Film Festival sa Italy


Limang pelikula mula sa Pilipinas ang makikibahagi sa 21st Far East Film Festival na gaganapin sa Udine, Italy simula ngayong Biyernes.

Apat na entries ang sasabak sa kompetisyon, kabilang na ang ‘Eerie’ ng director na si Mikhael Red, ‘Miss Granny’ ni Joyce Bernal, ‘Hintayan ng Langit’ ni Dan Villegas, at ‘Signal Rock’ ni Chito S. Roño.

Samantala, gaganapin din ang world premiere ng restored version ng ‘Nunal sa Tubig’ ni Ishmael Bernal bilang bahagi ng restored classics section ng nasabing festival.

“We are always glad that we could be of assistance to our very own filmmakers who made it to international film festivals to represent Philippine cinema,” ani Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Diño noong Martes,

“We are pleased that the festival continues to showcase different voices from around the world by including Filipino films in their lineup this year,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa FDCP, dalawang lokal na pelikula ang makakatanggap ng production and financing assistance sa Europe and Asia matapos mapili ng Focus Asia kasama ang labing tatlo pang pelikula bilang parte ng All Genres Project Market ng Far East Film Festival. Ito ay ang ‘The Grandstand’ ni Mikhail Red at ‘Everybody Leaves’ ni Phyllis Grae Grande.