Jodi Sta.Maria, na intimidate kay Gabby Concepcion?

Sumalang sa intimate scenes sina Jodi at Gabby sa pelikulang 'Man and Wife.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/26/2019 5:23 PM
Jodi Sta.Maria, na intimidate kay Gabby Concepcion?


Fresh mula sa kanyang naging bakasyon sa Thailand, humarap sa entertainment press ang Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria para i-promote ang kanyang pelikula na “Man and Wife."

 

Ito ang unang pelikula ni Jodi sa award winning director na si Laurice Guillen at kung saan nakapareha niya si Gabby Concepcion.

 

 

Dito, agaw pansin pamamalat ng boses ng Kapamilya actress.

“When I get back from our trip, naging ganito na siya I think it’s a bug that I caught in Thailand, so ayun nag start lang siya na parang sore throat tapos naging ganito na siya pero don’t worry about me I’m good!” paliwanag ni Jodi.

Minamalat man, tuloy pa din sa pakikipagkuwentuhan si Jodi. Ibinahagi din niya ang naging experience na makatrabaho ang award winning director.

“To be honest, I was so intimidated by the both of them (Laurice Guillen and Gabby Concepcion) pero alam mo ‘yun they made me feel naman at ease,” ani Jodi.

Isa pa sa mga naibahagi ni Jodi ang two takes sa love scenes nila ni Gabby, na gumanap na asawa niya sa pelikula.

“Intimate scene kaagad tapos Gabby Concepcion!” naka ngiting tugon ni Jodi.

“Hindi ko alam kung paano ko ba ito hahawakan, paano ko hahalikan. Tapos, kailangan lang namin ulitin ulit yung eksena para mas mapaganda pa,” patuloy pa niyang pahayag.

Sa darating na Mayo 8, ipapalabas ang “Man And Wife."