Ending ng Halik, hot topic sa social media

Magtatapos na ang serye ngayong Biyernes, April 26.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/26/2019 11:24 AM
Ending ng Halik, hot topic sa social media


August 2017 nang nagsimulang gumawa ng ingay sa telebisyon ang maintrigang kuwento ng teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Simula noon, mainit ng pinag-usapan ang Kapamilya serye na umiikot sa usapin nag mga mag-asawa.

Hinangaan ang karakter ni Lino na ginagampanan ni Jericho Rosales dahil sa kanyang pagiging mapagmahal na anak at asawa na katangian ng maraming Pilipino.

Kinainisan naman si Yam Concepcion na gumaganap bilang si Jade na hindi makuntento sa asawa.

Inis din ang naramdaman sa masamang ugali ni Ace na ginagampanan naman ni Sam Milby.

At ang pagiging palaban naman ni Yen Santos na ginagampanan ang papel ni Jackie ang tumatak sa karamihan ng legal wives.

Ngayong gabi, maraming ang umaasa kung sino kina Jade at Jackie ang makakatuluyan ni Lino na pinag-uusapan na ngayon sa social media.

Ngayong gabi mapapanood ang huling mga tagpo sa Halik.