• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, Piolo Pascual set to fly to Italy for their reunion movie

Claudine Barretto, Piolo Pascual set to fly to Italy for their reunion movie

Sa pagbabalik showbiz ng 'Optimum Star' na si Claudine Barretto, aabangan din ang pagbabalik tambalan nila ni Piolo Pascual para sa bagong pelikula.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/26/2019 11:44 AM
Claudine Barretto, Piolo Pascual set to fly to Italy for their reunion movie


Photo credit: @claubarretto on Instagram (L)

Handa na sa pagbabalik-showbiz ang Optimum Star na si Claudine Barretto. Huli siyang napanood sa pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015. Sa kanyang interview sa Tonight with Boy Abunda, isang malaking proyekto pa ang kanyang ibinahagi na kung saan ay makakasama niya ang dating katambal na si Piolo Pascual.  

"I will be doing a movie this end of June or July in Florence with Piolo," pahayag ni Claudine na inamin ding pinagpaplanuhan na ang isa pang proyekto kasama naman si Judy Ann Santos.

Maaalalang bumida na noon sina Claudine at Piolo sa pelikulang Milan na shinoot rin sa Italy. 

Wala pang tiyak na date kung kailan magsisimula ang pagshu-shoot para sa naturang pelikula, pero ayon kay Claudine idi-direk ito ni Cathy Garcia-Molina.

Sa parehong episode ng TWBA ay ikinuwento rin ni Claudine ang pagkakaroon ng sakit matapos ang proyekto na Etiquette For Mistresses, na kung saan ay nagdulot sa kanya ng hindi nakontrol na paglaki.

"I could'nt work [back then]. I was always in the hospital I had six operations in four months. [But] now, I'm okay, no more medicines, no more anything," dagdag ng aktres.

 

Itong darating na Sabado, April 27, na ipapalabas ang pagbibidahang Maalaala Mo Kaya episode ni Claudine, at makakasama niya rin sa unang pagkakataon ang Hashtags member Jameson Blake.