Jana Victoria, nagbabalik para sa isang Kapamilya teleserye

Handa na muli si Jana na ibahagi ang kanyang talento sa pag-arte sa kanyang pagbabalik.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/25/2019 2:40 PM
Jana Victoria, nagbabalik para sa isang Kapamilya teleserye


Photo Courtesy @JanaVictoria IG

Looking young at fresh ang aktres na si Jana Victoria sa kanyang muling pagbabalik teleserye para sa Love Thy Woman na bagong programa ng Dreamscape Entertainment.

Ito rin ang teleserye kung saan magbabalik tambalan sina Kim Chiu at Xian Lim kasama si Erich Gonzales.

READ: Kim Chui at Xian Lim, balik-tambalan sa bagong teleserye

Kuwento ni Jana, dapat abangan ang kanyang karakter na may malaking papel na gagampanan sa karakter ni Sunshine Cruz na isa sa mga lead cast.

 

“I’m the dear friend of Sunshine Cruz here, ako ‘yung medyo nagdidikta sa kanya dito kasi medyo in-love siya rito sa character ni Christopher De Leon, so dapat abangan,” kuwento ni Jana sa PUSH.

Aniya, labis niyang na-miss ang pag-arte matapos ang tutukan ang paglaki ng kanyang nag-iisang anak na babae.

“Actually, not really naman talaga nag lie-low, once in a while tumatanggap pa rin naman ako ng project, pero mas naging priority ko ‘yung daughter ko ngayon. She’s already 10 years old now and I’m ready to work again,” sabi pa niya.

At sa kanyang muling pagsabak sa acting, hindi itinanggi ni Jana na magkahalong kaba at pananabik ang kanyang nararamdaman.

“Syempre at first nagpasalamat talaga ako kay God kasi talagang hinintay ko ‘to and I miss acting. I’m so excited [and] nervous kasi ang makakasama ko rito, talaga namang big stars and talagang magagaling sila. Super happy,” aniya.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan na hindi nagsawa sa pagtulong sa kanya para muling maibahagi ang kanyang talento sa pag-arte.

“In-offer siya sa akin kasi a lot of my friends are helping me naman to have work and since talagang sinasabi ko sa kanila na ‘I wanna go back’ (to acting), so may mga kaibigan tayo na talaga namang handang tumulong sa atin,”  pahayag pa ni Jana.

Inaasahan na sa unang linggo ng Mayo, sisimulan na ang shoot ng Love Thy Woman na mapapanood soon sa ABS-CBN.