• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, pinuri ang young stars ng ‘Kadenang Ginto’

Dimples Romana, pinuri ang young stars ng ‘Kadenang Ginto’

Dimples Romana at Beauty Gonzalez, masaya sa record high ratings ng ‘Kadenang Ginto’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/25/2019 11:15 AM
Dimples Romana, pinuri ang young stars ng ‘Kadenang Ginto’


Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, masaya sina Dimples Romana at Beauty Gonzalez dahil sa maraming nanunuod ng Kapamilya seryeng Kadenang Ginto.

Isa sa mga inaabangan sa palabas ang tarayan at harapan nina Daniela at Romina na ginagapan nina Dimples at Beauty.

Ani Dimples, nasurpresa siya sa pagtanggap ng tao sa show. “We’re super surprised that a lot of people have been loving the show. And from all walks of life. And it’s so nice kasi pati yung mga lola, yung mga bata, they enjoy it.” 

Dagdag naman ni Beauty, “Tinatawag kami as Romina and Daniela, so sobrang overwhelming.”

Pumalo sa record high na 27.1 percent ang national ratings ng programa noong Martes, April 23. 

Teamwork diumano ang dahilan ng success ng programa. Ayon pa kay Dimples, “Napaglalaruan talaga naming yung mga eksena. Also MJ, I have to commend the kids, because the kids really make a big part of the show.” 

WATCH Push Exclusive: Beauty Gonzalez and Dimples Romana take the Pinush Ko challenge