• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto on fixing things with her family: ‘It will take a miracle’

Claudine Barretto on fixing things with her family: ‘It will take a miracle’

Claudine Barretto, kinuwento kung paano sila nagkaayos ng kapatid na si Gretchen.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/25/2019 11:21 AM
Claudine Barretto on fixing things with her family: ‘It will take a miracle’


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Claudine Barretto kung paano sila nagkaayos muli ng kapatid na si Gretchen Barretto. 

Aniya nagkita sila hotel pero actually hindi inaasahan ni Claudine na magpapang-abot nga sila. Kuwento ni Clau, “I was taking my time. I thought that she’d leave na kasi maaga yun umuuwi. Late na ako bumaba andun siya… she waited for me. And then when we saw each other, no crying. We just hugged each other and then I’m sorry, I love you…” 
Emosyonal si Claudine sa pagkukwento niyang ito.

Inamin ni Claudine na hindi niya noon naintindihan ang Ate niya pero ngayon daw ay naunawaan na niya ito. “Everything she says and does, it always comes from a good place. It’s always for my best interest and hindi ko nakita yun dati,” sabi ni Claudine.

Ayon pa kay Claudine, ngayong magkasundo na muli sila ni Gretchen ay “ang sarap” daw ng may Ate. Napapansin din daw ito ng longtime partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco na sobra magtawanan ang magkapatid. Ayon daw kay Tony, “(you’re) always laughing. You’re not like that with other people. But you two talaga… you’d just laugh.”

Para rin maiwasan ang mga tampuhan, nangako din ang magkapatid na Claudine at Gretchen na, “From now on if we hear anything, let’s talk to each other first.” 

Tinutulungan din ni Gretchen at Tony ngayon si Claudine sa pagpapalaki ng mga anak niya. “She’s so in love with my kids. She’s helping raise my children and Dada also,” ani Clau. Dagdag pa niya, “It’s nice kasi ngayon may tatay na yung mga anak ko and may mama din sila.”

Katulad nilang magkapatid, dinadasal kaya ni Claudine na maayos ang kanyang pamilya? Sagot ni Claudine, “No, we don’t. May mga pinagdaanan siya (Gretchen) na hindi ko pinagdaanan and I respect that. And she respects rin yung mga pinagdaanan ko. Solid kami sa part na yun. Baby steps, if it will happen it will happen like what happened sa amin.  But it will take a miracle.”

Sa tanong naman kung willing siya na maging part ng hit Kapamilya serye na Ang Probinsyano kahit na nandun ang estranged husband na si Raymart Santiago, ang sagot ni Claudine ay, “Andun ba siya? Pag wala na siya… Atsaka yung suweldo ko basta mapunta sa akin.” 

Sa tanong naman kung willing siyang makatrabaho si Coco Martin sa Ang Probinsyano, nilinaw ni Claudine na ang gusto niyang makatrabaho ay si, “Coco Martin. Clear yun ha.” 

Bibida si Claudine sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, April 27. 

READ: Claudine Barretto, Jameson Blake to star in MMK episode