Chie Filomeno, bibida sa Kapamilya teleserye

Kaiinisan ba o mamahalin ang role ni Chie sa Love Thy Woman?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/25/2019 2:35 PM
Chie Filomeno, bibida sa Kapamilya teleserye


Looking forward ngayon ang Kapamilya performer na si Chie Filomeno para sa kanyang pagsabak sa teleserye na Love Thy Woman.

 

Isa si Chie sa mga mapapanood sa teleserye kung saan magbabalik tambalan sina Kim Chiu at Xian Lim kasama si Erich Gonzales.

READ: Kim Chui at Xian Lim, balik-tambalan sa bagong teleserye

“It’s my first time ever with Dreamscape na big teleserye kaya super excited ako and thankful for the opportunity na ibinigay nila sa akin,” kuwento ni Chie sa panayam ng PUSH. 

Thankful din ang “Showtime” performer para sa bagong blessing na natanggap niya ngayon.

“From performing kasi daily sa ‘Showtime’ medyo nabakante kasi ako sa mga teleserye, and ngayon, I’m back, I’m so happy,” sabi pa ni Chie.

Dahil mas napapanood bilang perfomer, aniya,  malaking adjustments ang kailangan niya gawin para sa role sa upcoming Kapamilya series.

“Meron, feeling ko kasi nangalawang ako sa acting, pero kasi from ‘Showtime,’ kahit papaano, may guestings pa rin naman ako with teleserye so feeling ko this time, tutulungan naman ako ng Dreamscape para ma-achieve ko ang best ko with acting,” pahayag pa niya.

Patikim pa ni Chie, dapat din abangan kung mamahalin o kaiinisan ang kanyang role sa bagong Kapamilya program.