• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos, Laurice Guillen at Marilou Diaz-Abaya, bibigyan ng tribute ng FAMAS bilang outstanding women of Philippine cinema

Charo Santos, Laurice Guillen at Marilou Diaz-Abaya, bibigyan ng tribute ng FAMAS bilang outstanding women of Philippine cinema

Gaganapin ang Gabi ng Parangal ng FAMAS sa Meralco Theatre sa April 28.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/25/2019 10:59 AM
Charo Santos, Laurice Guillen at Marilou Diaz-Abaya, bibigyan ng tribute ng FAMAS bilang outstanding women of Philippine cinema


Bibigyang parangal ng FAMAS on their 67th year ang tatlong babaeng itinuturing na “outstanding women” ng Philippine cinema dahil sa kanilang hindi matatawaran ambag at kontribusyon sa Pelikulang Pilipino.

The recipients of the FAMAS Lifetime Achievement Award are Laurice Guillen, Marilou Diaz-Abaya (posthumous award) and Charo Santos. Gaganapin ang Gabi ng Parangal ng  FAMAS sa Meralco Theatre on Sunday, April 28.

Ang batikang scriptwriter na si Ricky Lee ang head jury ng FAMAS at isa sa mga nag-isip na bigyan ng FAMAS Lifetime Achievement Awards ang tatlong movie icons. Ayon kay Ricky, ito ang tamang panahon para kilalanin at bigyang parangal ang mga kababaihan, lalo na sa pagiging director, aktres at producer ng mga makabuluhang pelikula.

Si Direk Marilou Diaz-Abaya ay kilala sa mga classic films tungkol sa kababaihan tulad ng Moral, Brutal, at Karnal. Siya rin ang gumawa ng mga pelikulang tumalakay sa social injustice, class struggle, religious differences, child labor tulad ng Jose Rizal, Muro Ami, Sa Pusod ng Dagat, Milagros, Bagong Buwan at iba pa.

Si Laurice Guillen naman ay hindi malilimutan sa kanyang award-winning performances sa pelikulang Tinimbang Ka Nguni’t Kulang, Moral, at Sister Stella L. Nagdirek din siya ng ilang unforgettable films tulad ng Salome, Init Sa Magdamag, The Dolzura Cortez Story, at Tanging Yaman. Si Laurice din ang president ng Cinemalaya Foundation, ang pioneer independent film festival at premiere platform ng mga baguhang filmmakers.

As for Charo Santos-Concio, napatunayan niya bilang aktres ang kanyang husay sa mga pelikulang Itim, Tisoy, Kisapmata, Kakabakaba Ka Ba?, Gumapang Ka Sa Lusak, Hindi Mo Ako Kayang Tapakan, at Ang Babaeng Humayo. Isa rin siyang matagumpay na movie producer having produced some of the films that defined the Second Golden Age of Philippine Cinema tulad ng Himala, Oro Plata Mata, at Kisapmata. Simula noong 1990s nang namayagpag  ang Star Cinema under her supervision at kinilala bilang number one film outfit sa bansa. Hindi lamang blockbusters ang mga pelikula ng Star Cinema kundi award-winning films din.