• Home
  • Fresh Scoops
  • Why does Jodi Sta. Maria think of herself as “most beautiful?”

Why does Jodi Sta. Maria think of herself as “most beautiful?”

Jodi Sta. Maria gives an inspiring talk.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/24/2019 12:25 PM
Why does Jodi Sta. Maria think of herself as “most beautiful?”


Photo credit: @jodistamaria (L) on Instagram

Sa ulat ng TV Patrol, nagbigay ng inspirational talk si Sino ang May Sala?: Mea Culpa star Jodi Sta. Maria tungkol sa totoong kagandahan at kung bakit niya rin itinuturing ang sarili na “most beautiful.”

READ: Bela Padilla, napahanga sa husay ni Jodi Sta. Maria sa ‘Mea Culpa’

Para kay Jodi, ang totoong kagandahan ay galing talaga sa panloob ng isang tao. “Beauty really comes from within. It’s having a good disposition in life.” 

May malaking kinalaman din daw dito ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa Diyos, pati na rin sa pamilya at mga kaibigan. “It’s having this relationship with God and also it’s having the love and the support and empowerment that we get from our friends and family,” ani Jodi.

Galing sa definition niya ng beauty, narating na rin daw ni Jodi ang puntong most beautiful siya sa kanyang sarili. Dagdag pa niya, nabigyan siya ng opportunity, “(to) inspire people, trying to be the best person that I can.”

Bukod dito, hindi daw dapat ikumpara ang sarili kanino man.