• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, ikinuwento ang kakaibang dahilan sa kanyang pagpapayat

Sharon Cuneta, ikinuwento ang kakaibang dahilan sa kanyang pagpapayat

Nagkaroon ng maliit na problema ang pelikulang ‘Kuwaresma’ dahil sa pagbawas ng timbang ni Sharon Cuneta.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/24/2019 10:33 AM
Sharon Cuneta, ikinuwento ang kakaibang dahilan sa kanyang pagpapayat


Photo credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Marami ang nakapansin na nabawasan ang timbang at talagang pumayat si Megastar Sharon Cuneta nang humarap siya sa entertainment press para sa presscon ng Kuwaresma, her first ever horror film nitong Martes, April 22.

Ang Kuwaresma ay prinodyus ng Reality Entertainment at Globe Studios at idinirek ni Erik Matti.

Kuwento ni Shawie, “I lost weight after shooting pa (ng Kuwaresma), tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore.”

Nakakalimutan din daw niyang kumain.

“Natatawa yung yaya ko kasi, ‘Yaya, I’m busog na.’ Pagdating niya, ‘Ma’am, di n’yo ginalaw yung pagkain, inurong-urong n’yo lang.’ ‘Hindi naman, nag-bite naman ako mga dalawa-tatlo,’” patuloy niyang kuwento.

Wala rin daw masyadong effort on her part para mag-diet basta nawala lang daw yung cravings niya for food.

“I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang mag-suot ng damit na... ganu’n.

“It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain. Tapos after the movie, dire-diretso,” sambit pa ng Megastar.

Napansin din ni Direk Erik ang pagpayat ni Sharon kaya medyo namroblema siya sa continuity ng pelikula.

Pahayag niya, “For a time, nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, syinut na naming ‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.

“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makakalusot ba ‘to na kanina lang, iba yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut.”

Inamin din ni Sharon na fan talaga siya ng mga horror movies mapa-local man o foreign kaya dream come true para sa kanya ang makagawa ng isang horror film.

Ang Kuwaresma rin daw para sa kanya ang isa sa most physically, mentally, and emotionally draining movie na ginawa niya.

Palabas sa mga sinehan ang Kuwaresma simula May 15.