• Home
  • Fresh Scoops
  • Lou Yanong at Andre Brouillette, muling idiniin na hindi ‘scripted’ ang kanilang relasyon

Lou Yanong at Andre Brouillette, muling idiniin na hindi ‘scripted’ ang kanilang relasyon

Sinabi nina Lou Yanong at Andre Brouillette na ang spekulasyon na peke ang kanilang relasyon ang ‘pinakabaliw’ na komentong natanggap nila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/24/2019 12:13 PM
Lou Yanong at Andre Brouillette, muling idiniin na hindi ‘scripted’ ang kanilang relasyon


Photo credit: @louyanong on Instagram

Muling ipinaliwanag nina Lou Yanong at Andre Brouillette na totoo ang kanilang relasyon at hindi sila nag-gagamitan para manalo sa Pinoy Big Brother Otso.

Sa Part 2 ng Magandang Buhay episode kasama ang Big Four ng PBB Otso adults, tinuring nina Lou at Andre, bilang “pinakabaliw” na komentong natanggap nila ang isyu na scripted o fake ang kanilang relasyon.

"I know, inside the house (PBB House) we really worked hard for it. Even from the auditions and everything. It was a long process and we were able to get here. So nakaka-proud lang talaga na sabihin na we worked hard for this. [And] we're not using each other," paliwanag ni Lou na sinabing “bonus” na lang na nakilala at naka-mabutihan niya si Andre. 

Una na nang dinipensahan ng LouDre ang isyu ng pagiging fake ng relationship nila, sa naganap na Star Hunt Grand Mediacon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

calming my storms 💛

A post shared by Lou Yanong (@louyanong) on

 

READ: Is the LouDre love team scripted?

Samantala, ikinuwento rin ni Lou sa mga momshie hosts ang minsang pinaghinalaan siyang 'tomboy ng kanyang mga magulang, dahil wala siyang ni-isang ipinakilalang boyfriend sa kanila noon, hanngang umabot siya ng 22.

"Medyo boyish talaga ako dati—hindi ako nag-aayos, and never pa akong nagkaroon ng boyfriend. May time pa nga pong hinanapan ako ng dad ko ng boyfriend," ani Lou.

Inamin ni Lou na si Andre na nga ang pinaka-una niyang boyfriend.

READ: Andre Brouillette shares what he admires about girlfriend Lou Yanong

Naging kontrobersyal ang love story ni Lou at Andre matapos ipalabas ang “The Kiss” episode ng PBB, na kung saan ay nakatanggap ng halu-halong reaksyon mula sa mga netizens.

READ: Halikan nina Lou at Andre sa PBB, umani ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa mga netizens