• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio on her relationship with Ronnie Alonte: ‘Hindi kami showbiz bilang mag-jowa’

Loisa Andalio on her relationship with Ronnie Alonte: ‘Hindi kami showbiz bilang mag-jowa’

"Kung ano meron sa amin, kami lang ang nakakaalam, at kung may problema kami lang ang mag-aayos," pahayag ni Loisa Andalio tungkol sa kaniyang mas matatag na relasyon kay Ronnie Alonte.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/24/2019 12:06 PM
Loisa Andalio on her relationship with Ronnie Alonte: ‘Hindi kami showbiz bilang mag-jowa’


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Bilang magta-tatlong taon nang magkasintahan, ibinahagi ng Kapamilya love team na LoiNie, o Loisa Andalio at Ronnie Alonte, ang sikreto sa mas matibay na relasyon nila ngayon. 

"Respeto sa isa't-isa, siyempre kung medyo sarado ka, i-open mo yung utak mo para sa babaeng gusto mo, at mahal mo," pahayag ni Ronnie sa interview ng ABS-CBN News, Cinema One at PUSH matapos dumalo sa Cine Expo Manila 2019 kahapon, April 23.

Para kay Loisa, naging mas matatag ang relasyon nila ngayon ni Ronnie dahil sa mga pinagdaanang pagsubok. "Kami kasi ni Ronnie hindi kami nagpapa-apekto sa mga sinasabi ng ibang tao, kumbaga kung anong meron [kami] sa [sa'min] lang. So, hindi [kami] showbiz bilang mag-jowa.

"Kung ano meron sa amin, kami lang ang nakakaalam, at kung may problema kami lang ang mag-aayos," ani Loisa.

 

Sa parehong interview din ay ikinuwento ni Ronnie ang kamakailang sorpresa niya kay Loisa Andalio sa birthday nito noong Linggo, April 21.

Ayon kay Ronnie, ginanap ang naturang surprise sa kanyang bagong gawang bahay, at katulong ang mga kaibigan niya na nag-set up ng mga bulaklak at kandila.

"Sabi ko, paano ko ba mapapasaya si Loisa, kasi ang dami naming pinagdaanan, stressed kami. Paano mawawala sa isip namin yung mga nangyari. So 'yun sinurprise ko siya nang napakalupet.

"Gusto ko talaga siyang paiiyakin, kaso nakita niya (Loisa) raw yung mga tropa ko nagtatakbuhan kasi nagsisindi pa ng kandila, bigla na lang siyang natawa," kuwento ni Ronnie.

READ: Ronnie Alonte throws surprise birthday party for Loisa Andalio 

Nagsimula nang mag-shooting sina Loisa at Ronnie, kasama si Donny Pangilinan para sa bagong pelikula na James and Pat and Dave, ang sequel movie ng Vince and Kath and James.