• Home
  • Fresh Scoops
  • Ken San Jose on AC Bonifacio: ‘We’re both in a really, really good place with each other right now.’

Ken San Jose on AC Bonifacio: ‘We’re both in a really, really good place with each other right now.’

Ken San Jose at AC Bonifacio, may posibilidad kayang maging more than best friends?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/24/2019 12:30 PM
Ken San Jose on AC Bonifacio: ‘We’re both in a really, really good place with each other right now.’


Photo credit: @acbonifacio on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni World of Dance Philippines divisional finalist Ken San Jose ang tanong ng isang netizen kung ano nga ba ang ibig sabihin ng magkaparehang necklace na suot nila ni AC Bonifacio.

READ: AC Bonifacio, sinagot kung sila na nga ba ni Ken San Jose

Ani Ken, nabili niya ang kuwintas sa Bali at bilnilhan niya rin si AC bilang pasalubong. Nang tanungin ng host kung bakit si AC ang naisipan niyang bilhan at hindi ang ibang babae, sinabi ni Ken na, “AC is my best friend in the whole world and we’re really close and I want to get something nice for her.”

Ang tatlong words naman na ginamit ni Ken para idescribe ang kaibigan ay, “contagious, talented and amazing.”  Contagious daw si AC dahil, “She makes people around her happy,” at amazing naman dahil, “Amazing friend, and she’s always been there for me.”

Ang isang bagay naman na hindi gusto ni Ken kay AC ay, “She teases me a lot.” Pero bawi naman ng binata, “I really don’t not like that. It’s a part of our friendship.”

Inamin din ni AC na may posibilidad na maging more than friends sila ng kaibigan, pero sa ngayon daw ay focused lang sila sa kanilang career. “Honestly po, we’re both in a really really good place with each other right now and anything is possible. Pero we’re so focused on our careers talaga,” sabi ni AC.