• Home
  • Fresh Scoops
  • Jon Gutierrez, umaasa ba na magka-second chance pa sila ni Jelai Andres?

Jon Gutierrez, umaasa ba na magka-second chance pa sila ni Jelai Andres?

Gumawa ng kanta si Jon Gutierrez na tila para kay Jelai Andres.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/24/2019 12:01 PM
Jon Gutierrez, umaasa ba na magka-second chance pa sila ni Jelai Andres?


Photo credit: @jelaiandresofficial/ @king_inamo on Instagram

Pagkatapos lumabas ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Ex-Battalion member na si Jon Gutierrez na kilala ring bilang King Badger sa Internet ay isang beses pa lamang nito sinagot at inaming may pagkakamali siyang nagawa. Inaayos na daw niya niya ang problema nila ng asawang si Jelai Andres.

Read: Ex Battalion member Jon Gutierrez, nagsalita sa isyung hiwalay na sila ng asawa na si Jelai Andres

Sa ibang paraan naman inihayag ng rapper ang paghingi niya ng tawad at tila ang bago niyang kanta na “Walang Gana” ay para sa kanyang asawa.

Bagamat hindi diretsahang sinabi na para ito kay Jelai at di rin nabanggit ang kanyang pangalan, marami naman silang videos at litrato na magkasama at sinabing “Umaasa sa pangalawa mong oo, narito ako."

Hindi pa naman nagsasalita si Jelai tungkol sa kanta.