Yamyam Gucong, may mensahe sa kanyang girlfriend sa Bohol

Ikinuwento rin ni Yamyam Gucong ang dahilan ng kanyang pagbabalik-eskwela.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/23/2019 12:01 PM
Yamyam Gucong, may mensahe sa kanyang girlfriend sa Bohol


Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, April 22, nagkuwento tungkol sa kanyang love life ang isa sa mga Big Four ng Pinoy Big Brother Otso na si Yamyam Gucong. Ayon sa dating housemate, apat na taon na sila ng kanyang kasintahan na si Elaine.

"Nagkakilala po kami ng girlfriend ko after ng lindol," pag-amin ni Yamyam na tinutukoy ang lindol na tumama sa kanilang lugar sa Bohol noon.

Ikinuwento ni Yamyam kung paano niya unang hinarap ang ama ng kanyang girlfriend, na halos dalawang taon nilang itinago dahil sa menor de edad pa ang babae.

"After two years, pinuntahan ako sa school ng papa niya. Kalaunan sabi niya [sa akin], kung seryoso ka sa anak ko, doon ka bumisita sa bahay. So kinagabihan 'non, pumunta agad ako, bumisita na ako," kuwento ni Yamyam.

Ngayong nasa tamang edad na ang kasintahan, proud na ipinakilala ni Yamyam si Elaine at nag-iwan pa ng kanyang mensahe sa Magandang Buhay.

"Sana nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Sana nasa maayos kang kalagayan. Huwag kang mag-alala, you're safe in my heart, and I will stay in love [with] you, forever and ever. Kasama ka sa lahat ng plano ko sa buhay," ani Yamyam.

Samantala, sa parehong episode ay inalala din ni Yamyam ang sakripisyo niya noon na pag-tigil sa pag-aaral.

"Nong Grade 5 po ako, napansin ko yung mga magulang ko na sobrang baba talaga kami, mahirap talaga ang buhay. Kaya nag-desisyon muna ako na magtrabaho muna sa Cebu para makapag ambag man lang sa kanila," ayon kay Yamyam na sinabing naranasan na niyang maging construction worker, houseboy, delivery boy at carwash boy.

Matapos ang halos anim na taon, nagdesisyun naman si Yamyam na bumalik sa eskwela at tapusin ang high school kahit na mas matanda na siya sa mga naging ka-batch niya.

"Parang gusto ko naman maiba yung buhay ko kaya nag-desisyon akong bumalik talaga sa pag-aaral, kahit medyo huli na at medyo matanda na," kuwento ni Yamyam na ikina-proud ng dalawang momshie hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Nitong nakaraang Star Hunt Media Conference noong April 3 ay kinumpirma rin ni Yamyam na natapos niya ang pag-aaral sa high school.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming salamat po sa inyong supporta nothing saakin! Love you guys!! ❤ ❤ ❤ #pbbotso

A post shared by Yamyam Gucong (@gucongyamyam) on

 

READ: Ganito na ang buhay ngayon nina Yamyam at Fumiya pagkatapos lumabas ng PBB

READ: Fumiya at Yamyam, bilang pinaka-bagong comedy duo?

Kasama ni Yamyam sina Fumiya Sankai, Andre Brouillette, at Lou Yanong sa Big Four ng Batch 1 Adults ng kasalukuyang edisyon ng Pinoy Big Brother.