• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Kris Aquino caught on cam ang reaksyon habang lumilindol

WATCH: Kris Aquino caught on cam ang reaksyon habang lumilindol

Nasa presscon ang aktres nang biglang lumindol kahapon, April 22.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/23/2019 9:40 AM
WATCH: Kris Aquino caught on cam ang reaksyon habang lumilindol


Habang nasa isang press conference kahapon, April 22, si Kris Aquino nang nangyari ang pagyanig sa Metro Manila. 

Kasalukuyang iniinterview si Kris ng press tungkol sa kanyang pag-endorso sa pinsang si Bam Aquino at kuhang kuha sa camera ang kanyang reaksyon nang lumindol. 

Unang naisip agad ni Kris ang kanyang 2 anak na sina Bimby at Josh na nasa kanilang bahay, na sinabi niya na malapit sa fault line. Pero kalma lamang ito na sinabing tumawag na sa kanilang bahay ang kanyang kasama para i-check ang mga bata. 

“I want to go home to my sons kasi nasa fault line kami,” sambit nito. 

Kahit kabado at nahilo, dinaan na lang din ni Kris sa biro ang sitwasyon. 

Panoorin ang kanyang interview dito: