• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang pagyanig, Kapamilya stars, hiling ang panalangin para sa kababayan

Matapos ang pagyanig, Kapamilya stars, hiling ang panalangin para sa kababayan

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/23/2019 8:14 AM
Matapos ang pagyanig, Kapamilya stars, hiling ang panalangin para sa kababayan


Labis na pag-alala at pagkabigla ang naging dulot ng malakas na lindol na yumanig sa Luzon nitong Lunes.

Dahil dito Iba't ibang gawaain ang naantala, kabilang ang trabaho ng ilang showbiz personalities. 

Si Angel Locsin, nasa kapagitnaan ng isang eksena sa taping ng “The General's Daughter” nang lumindol at agad na kumontak sa kanyang pamilya.

Si Vice Ganda naman, naghandog agad ng panalangin na huwag na masundan pa ang lindol at ang safety ng ating kababayan.

Gaya ni Vice, panalangin din ang naging hiling ni Songbird Regine Velasquez at teen star Loisa Andalio.

 

Kaligtasan naman ang naging panalangin ng Broadway Diva na si Lea Salonga, pati na rin sina Anne Curtis, Vhong Navarro, ZsaZsa Padilla at Gary Valenciano.