• Home
  • Fresh Scoops
  • Enzo Pineda, Mark Macmahon, and Gab Lagman explain why they keep posting ‘thirst trap’ photos

Enzo Pineda, Mark Macmahon, and Gab Lagman explain why they keep posting ‘thirst trap’ photos

Why do Enzo Pineda, Mark Macmahon, and Gab Lagman like to post their topless selfies?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/23/2019 3:20 PM
Enzo Pineda, Mark Macmahon, and Gab Lagman explain why they keep posting ‘thirst trap’ photos


Photo credit: @its_enzopineda/ @markmcmahon1/ @ gablagman on IG

Bukod sa pagbibigay ng inspirasyon para sa mga gustong magpaganda ng katawan, inamin ni Enzo Pineda at Gab Lagman ang isa pang dahilan kung para saan ang patuloy nilang pagpopost sa social media ng kani-kanilang topless photos.

"Wala, nagpapa-yummy lang," birong pag-amin ni Enzo at Gab sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo, April 21.

"Proud lang ako na na-achieve ko ‘yung ganyang katawan kasi nga back then, I never thought na I'd ever [have it]," pahayag ni Gab na sinabing dumaan siya sa pagiging obese noong 12 years old pa lamang. 

Para naman sa ex-Star Dreamer ng Pinoy Big Brother OTSO na si Mark Macmahon, ginagamit niya ang mga topless photos para makita ang improvements ng katawan niya. 

"Ako, documentation lang. Para at least, [I have] a record na - okay ganito ako last week, ganito ako last month, tapos ganito ako ngayon," ani Mark. 

Samantala, sa parehong episode rin ng late night talk show ay ni-reveal din ng tatlong guests na umaabot ng lima hanggang anim na beses silang nagwo-work out sa isang linggo. 

Panoorin ang ilang nakakaaliw na challenge na ginawa nina Enzo, Mark at Gab dito: