• Home
  • Fresh Scoops
  • Bugoy Cariño balik-acting sa pelikulang ‘Sa Mga Sulok Ng Pangarap’

Bugoy Cariño balik-acting sa pelikulang ‘Sa Mga Sulok Ng Pangarap’

Makakasama ni Bugoy sa pelikula ang mga dating kapwa Goin' Bulilit stars na sina Belle Mariano at Izzy Carino.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/23/2019 8:38 AM
Bugoy Cariño balik-acting sa pelikulang ‘Sa Mga Sulok Ng Pangarap’


Photo credit: @iambugoycarino03 on Instagram

Magbabalik na sa pag-arte sa pelikulang Sa Mga Sulok Ng Pangarap ang dating Hashtag member at noon ay award-winning child actor na si Bugoy Carino.

Si Bugoy ang napili ni Direk Ronald Rafer, na isa ring entertainment writer at PMPC member, para isa sa maging bida ng kanyang gagawing pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DANZTEP PHOTOSHOOT 🕺🏻🔥💯

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03) on

 

“Magaling na artista si Bugoy at patunay diyan ang mga napanalunan niyang acting wards noon,” ani Direk Ronald sa story conference ng Sa Mga Sulok Ng Pangarap.

Makakasama ni Bugoy sa  pelikula ang mga iba pang dating Goin' Bulilit stars na sina Belle Mariano at Izzy Canillo at ilang local talents ng Quezon Province.

“Halatang kabado nga si Bugoy during our story conference, pero sabi ko sa kanya, relax lang at hindi siya dapat kabahan. Bago matapos ang storycon, naging at ease na rin naman siya,” dagdag na kuwento ni Direk Ronald.

Patuloy niya, “Lahat naman ng tao ay maaaring mapaliko ng landas sa buhay, pero may karapatan ang lahat na magbago, magsisi, at bumangong muli.”

Huling napanood si Bugoy sa iWant series na "Spirits Reawaken." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gusto nyo ba makita ang Spirits Cast? Kitakits tayo bukas sa Starmall Alabang 4pm 😉 #SpiritsReawaken #iWant

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03) on

 

Seventeen (born September 3, 2002) years old na ngayon si Bugoy. Last year, ay naging ugong-ugong na nabuntis niya umano ang girlfriend na isang  sikat na volleyball player. Ito din daw ang naging dahilan umano kaya nawala siya sa grupong Hashtags ng It’s Showtime.